Nanaginip na naman ako kagabi.
Sa panaginip ko ay isa raw akong 10 yrs old na bata. Naglalaro raw kami ng "sha-to" tapos ako daw yung natalo. So, kailangan ko raw tumakbo tapos sumigaw ng "shaaaaaaaaaaaaaa-to!" ng hindi napuputol ang bigkas mula doon sa pinakamalayong inabot nung maliit na stick, hanggang doon sa base na maliit na hukay sa lupa.
Pagdating ko sa may base, nawala naman yung butas sa lupa na huhulugan nung maliit na stick. Sa halip ay meron daw malaking banga ang ‘andun. Yun bang tipong clay pot na malaki na lalagyan ng tubig. So ilalag ko na raw yung stick doon ng biglang may sumulpot na ulo ng isang bata.
Si Matet pala. Sabi raw ba naman, "Takot ako."
Ang pinaka-weird sa lahat, dumating daw si Kuya Germs tapos sabi nya, "Kainan na mga bata." Pagtingin ko sa paligid ko, aba Wednesday Group nga ng That’s ang mga kalaro ko. Andun pa nga raw mga love teams nila Christina Paner, Sheryl Cruz, Romnick, JC Bonin..etc. Ang jologs!!!
Anyway, hanggang doon lang na-alala ko. Nung nagising ako, gutom na gutom ako. So binuksan ko ang ref para kunin ang juice, yoghurt at white cheese.
Pagbukas ko ng ref…
"Paano ang tunog ng palakpak ng isang kamay?"
Kung sino ang makakasagot ng tanong ko, makakatanggap ng pa-premyo.
Isulat lang po ang inyong sagot, kasama ang buong pangalan, araw ng kapanganakan at tirahan sa kapirasong papel. Pagkatapos ay ihulog ito sa drop box ng inyong paboritong tindahan.
Huwag pong kalimutang lakipan ng isang sachet ng palmolive shampoo.
Ang ibig sabihin pala ng "o’clock" eh, "of the clock"? Kanina ko lang napagtanto nung tiningnan ko sa dictionary.
Used in a sentence:
1. To tell time: "Five o’clock na. Makauwi na nga."
2. To tell direction: "Hanep sa wetpaks, pre!" "Saan?" "Three o’clock."
Ang ibig sabihin pala ng "o’clock" eh, "of the clock"? Kanina ko lang napagtanto nung tiningnan ko sa dictionary.
Used in a sentence:
1. To tell time: "Five o’clock na. Makauwi na nga."
2. To tell direction: "Hanep sa wetpaks, pre!" "Saan?" "Three o’clock."
Nanaginip ako kagabi. Nasa Vatican daw ako at isa sa mga mag-e-elect ng panibagong Pope. Weird, ‘no?
Anyway, Italian daw yung pinili namin. Medyo malabo pero parang may nakita akong letter "i" dun sa pangalan ng next na Pope.
Tapos, nung susunugin na namin yung ballots para magkaroon ng white smoke para ma-announce na nakapili na kami ng bagong Pope, meron daw sumigaw na, "Hoy, bawal mag-yosi dito!" mula sa loob ng kumbento.
Tapos sumagot daw ako ng, "Hindi naman po kami nagyoyosi, eh."
Kaso pagtingin ko dun sa ibang Cardinals na nag-elect ng bagong Pope, meron nga silang binibilot sa ballots nila na parang tuyong dahon. Napasigaw daw ako ng, "Holy Smoke!!!"
Tapos napansin ko na ako lang ang walang ganun so humingi ako sa katabi kong Colombian Cardinal. Sabi ko raw, "Father, penge nga po nyang tinitira nyo."
Binigyan naman niya ako. Tapos nag-laughtrip kaming lahat habang sa background ay may kumakanta ng "Halleluja! Halleluja! Halleluuuuja!" Kasabay daw nun eh tumunog yung mga kampana ng Sistine Chapel.
Maya-maya ng konti ay may nag-ring na mas malakas pa sa tunog ng mga dambuhalang kampana nung simbahan.
Nagising ako at pinatay ko ang alarm clock.
Nag low-bat ang cellphone ko.
Kinuha ko ang charger nguni’t walang bakanteng outlet. Hinugot ko ang isang nakasaksak na plug. Biglang tumahimik ang kapaligiran. Napagtanto ko na ang hinugot kong plug ay yung sa radyo pala.
Isinaksak ko uli ang plug. Muling umingay ang kapaligiran. Hinugot ko uli ang plug. Muling nanaig ang katahimikan. Ngayon ay sigurado ako na sa radyo talaga yung plug na binunot ko.
Sa wakas ay chi-narge ko ang aking cellphone habang ako’y nagmuni-muni sa katahimikan.
Nag-gi-gitara ako nang mapansin ko na bukas pala ang pintuan ng aking silid. Mula sa pagkaka-upo ay tinungo ko ang pintuan at dahan-dahan ko itong isinara. Bumalik ako sa upuan at ipinagpatuloy ang pag-gi-gitara.
Nakatitig ako sa nakasabit na litrato sa dingding. Napansin ko na medyo tabingi ito kung kaya’t inayos ko. Ngayon ay diretso na ang pagkakasabit nito.
Nagtimpla ako ng kape. Masyadong mainit kaya ipinatong ko muna sa lamesa para lumamig. After 5 minutes, ininom ko ang kape.
Tapos nun, tapos na.
Then: "God is dead." -Nietzsche
Now: "Nietzsche is dead." -God