"Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did. So throw off the bowlines, sail away from the harbor. Catch the tradewinds in your sails. Explore. Dream."
- Mark Twain
"Twenty years from now you will be more disappointed by the things you didn’t do than by the ones you did. So throw off the bowlines, sail away from the harbor. Catch the tradewinds in your sails. Explore. Dream."
- Mark Twain
Halimbawa, hindi ikaw ikaw, sino ka kaya?
Halimbawa, hindi ang nanay mo ang nanay mo ngayon, sino kaya ang tatay mo?
Halimbawa, hindi ang tatay mo ang tatay mo ngayon, sino naman kaya ang nanay mo?
Halimbawa, pwede kang pumili ng nanay at tatay mo noong bago ka ginawa, pipiliin mo ba uli ang mga magulang mo ngayon?
Halimbawa, ang tatay mo ngayon ay si Bill Gates, pipiliin mo ba ang totoo mong tatay ngayon kung ipapanganak kang muli?
Halimbawa, ‘pinanganak ka sa isang Muslim country, lumaki ka kayang katoliko?
Halimbawa, ‘pinanganak ka sa India, Hindu ka kaya ngayon? Eh kung sa Japan ka ipinanganak, buddhist ka ba ngayon or shintoist?
Halimbawa, ‘pinanganak ka sa isang tagong tribo sa Africa ano kayang sasambahin mo?
Halimbawa, wala palang God, iiwanan mo ba ang relihiyon mo ngayon?
Halimbawa, meron palang God, tama kaya ang relihiyong sinasamahan mo ngayon?
Halimbawa, mali pala ang pinaniniwalaan mong relihiyon, kaninong bersyon ng impyerno kaya mapupunta ang kaluluwa mo?
May nasalubong akong pulang langgam kanina.
"O, saan ka papunta?" tanong ko.
"Dyan lang sa may kanto. Susunduin ko gerpren ko, " sagot ng langgam.
"Pwede palang magka-gerpren ang tulad mo? Worker ant ka lang di ba? ‘Kala ko yung mga nagkaka-gerpren lang eh yung mga yumayari sa reyna nyo…"
"Aaah, dyan kayo nagkakamali. Kahit naman worker lang ranggo namin, may karapatan rin naman kaming ma-inlab," mabilis na tugon ng langgam.
"Eh paano mo nalalaman kung sino ang gerpren mo sa daan-daang langgam na nasasalubong mo araw-araw?" muling tanong ko.
"Sus, para kang hindi MBB grad! Shempre, pheromone tsong. Actually, bawat isa sa amin ay may unique na pheromone…’kumbaga sa pabango eh signature scent ba. In fact, I’m wearing a Chanel Pheromone right now!" pa-konyong tugon ni langgam.
"A, ganun ba? Na-sense ko nga. Mukhang naligo ka sa pheromone ah! O, sige, bilisan mo at baka mainip gerpren mo sa paghintay sa ‘yo sa may kanto. Mahaba-haba pa itong lalakarin mo."
"Kaya nga eh…baka pwedeng maki-hitch sa sapatos mo?"
"No problem. Sige kapit ka lang. Mga ilang hakbang lang naman ito para sa akin eh."
Umakyat si langgam at kumapit sa nakalawit na sintas ng aking sapatos. Maya-maya ng kaunti ay may natanaw nga akong naghihintay na isa pang langgam sa may kanto. Ito na marahil ang gerpren na naghihintay dahil nakita kong sobrang na-excite itong langgam na ngayon ay nakabitin na sa dulo ng sintas ng sapatos at handang bumaging na ala-tarzan sa direksyon ng kasintahang naghihintay.
Napasigaw na lang ako ng "Sandali!!!", nang biglang umigkas itong si langgam at napailalim sa suwelas ng aking sapatos. Huli na ang lahat at kahit bakas ni langgam ay hindi ko makita sa sementadong kalsada. Ni impit na hiyaw ay hindi nakatakas mula sa naipit na nilalang.
Samantala, ang kasintahang langgam ay nanatiling nakatayo sa tabing kalsada habang ang hangin ay nagsimoy Chanel Pheromone. At nangilid ang luha sa aking mga mata hindi dahil sa tapang ng halimuyak na pumalaot sa hangin kundi dahil sa nasasaksihan kong pagluluksa ng isang pusong naulila.