Archive for October, 2006

26
Oct

L’Amour Est Bleu, partie une (Alternative Title: Naunsyaming Pag-ibig, unang kabanata)

11

¡O pag sintang labis nang capangyarihan
sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao!
pag icao ang nasoc sa púsò ninoman
hahamaquing lahat masunód ca lamang!

- orihinal na salin na inilabas ng Imprenta de Ramirez y Giraudier noong 1861 mula sa Florante at Laura ni Francisco Baltazar (1788-1862).

S
abi nila kumikinang daw ang aming mga mata kapag kami ay magkausap. Pakiramdam ko rin nagtutugma kami. Magka-wavelength ‘ika nga o nag-co-connect ba. Basta, ang hirap ipaliwanag. Alam mo na ‘yun. Para bang kahit hindi na namin ibuka ang aming mga labi at bumigkas ng mga pangungusap, parang alam na naming pareho ang sasabihin ng bawat isa.

Madali talagang nahulog ang loob ko kay Christine mula nung makilala ko siya sa isang prayer meeting.

Flashback…three months ago.

Pauwi na ako galing opisina nang bigla kong naisipang pumasok sa company chapel. Na-curious lang talaga ako. Sa tinagal-tagal ko na sa kumpanya ay hindi pa ako nakakapasok doon. Maliit lang sa loob ng chapel, pero maganda ang pagka-disenyo nito. Minimalistic ang dating at walang masyadong burloloy sa altar. Sa gilid naman ay may nakasabit na mga oil paintings nung The Way of the Cross. Cubist ang estilo nung pintor, na hindi ko na maalala ang pangalan. 

Tiningnan kong isa-isa ang mga paintings mula sa unang istasyon ng krus. Medyo nagtagal ako sa ika-apat. Ito yung nung nasalubong ni Hesus ang kanyang inang si Maria. Mahusay ang depiction,,,kahit hubog lang ng mukha ang kita mo ‘ramdam mo talaga ang paghihirap ng kalooban ni Maria sa sinapit ng minamahal na anak. Dahil na rin siguro ito sa mainam na pag-gamit ng pintor ng matapang na kulay tanso at mga bakas ng pula at itim.

Medyo nagulat ako nang marinig ang isang malumanay na tinig mula sa aking likuran.

"Ang ganda ano? Paborito ko rin ‘yan."

Pagtalikod ko ay para akong naiputan ng Ibong Adarna dahil pakiramdam ko ay naging bato ako at tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Pakiwari ko ba ay isang anghel mula sa langit ang bumaba at ngayon ay nakangiting nakikipag-usap sa akin.

"Ako nga pala si Christine. Kanina ka pa ba? Halika, dito sa may kabilang room ang prayer meeting."

"Ah..eh.."

Yun lang ang natatandaan kong lumabas sa aking bibig. Basta para akong nagayumang sumunod na lang sa kanya. Tanda mo yung scene dun sa Lord of the Rings kung saan parang na-hypnotize si Frodo sa kagandahan ni Galadriel (yung saksakan ng gandang elven na muntik nang ma-tempt na angkinin yung ring)? Ganun, pare!

Kaya ayun, mula noon, regular na rin akong nakiki-praise da lord! sa kanila. Anyway, ayus lang naman. Masaya rin doon kahit papaano. Wala namang nawawala sa akin sa pag-attend ko. Syempre, minsan uma-absent rin ako sa prayer meeting kapag may conflict sa ibang activities ko, like pag nagkayayaang mag-online ang buong barkada para maglaro ng World of Warcraft.

Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob ko kay Christine. Pagkatapos kasi ng prayer meeting ay nagkakape muna kami sa Figaro na nasa kabilang building lang. Masarap talaga siyang kakwentuhan, at hindi nakakasawang pagmasdan ang napaka-amo nyang mukha. Gustong-gusto ko rin yung ngiti nya dahil lumalabas yung cute nyang dimple sa kaliwang pisngi.

Kapag kasama ko siya, ang bilis-bilis ng takbo ng oras. Minsan nga hindi na namin namamalayan na closing na pala. Sa sobrang dami kong nainom na espresso, ang hirap tuloy matulog pag-uwi ko sa bahay. Lalo pa tanging si Christine lang ang laman ng utak ko at ang lahat ng mga napag-usapan namin. Bawat salitang kanyang sinabi, pati na malulumanay nyang halakhak ay tila musikang hindi mapawi sa aking mga tenga. Last song syndrome, ‘kumbaga.

19
Oct

Ang Stripper at Ang Bagitong Parokyano

Hindi mapakali sa pagkaka-upo ang binatilyo habang minamasdan ang
nilalang na umiindayog sa harapan.

Sa bawat pilantik ng balakang ng babaeng hubadYeah
ay nararamdaman niya ang paghagibis ng daloy ng dugo
doon sa hayop na may ulo subali’t wala namang utak.

Subali’t naudlot ang makamundong aliw nang magtama
ang paningin ng stripper at ng bagitong parokyano.
Ang tunay na kahubaran ng pagkatao ay nabakas sa
kalungkutang ipinapahiwatig ng nagsusumamong mga mata.

At ang binatilyo ay tumayo,
tumakbong palabas mula sa bahay-aliwan
at nangakong hindi na muling babalik pa.

13
Oct

Word of the Day

Moobs [noun]: Short for manly boobs. Supposedly rudimentary organs of the male chest analogous to the mammary glands of the female of the species. Often but not exclusively a result of a sedentary lifestyle.

Example: "Aren’t his moobs quite a handful?"

               "Yes, indeed!"