Author Archive for thanlou

13
Feb

Iskul Bukol

-anong pangalan mo, hijo?

-ah, eh, edgar allan po.

-edgar allan poe?

-hindi poe. edgar allan lang po.

-a, okay. apelyido?

-sinabi ko na po kanina, ah!

-sabi mo kanina, edgar allan lang…

-kaya nga po. edgar allan lang.

-edgar allan lang? lang ang apelyido mo?

-opo.

-anong klaseng apelyido yan?

-intsik po ang lolo ko eh.

-a, ok. middle name mo?

-wala po akong middle name.

-paanong wala? anong apelyido ng nanay mo?

-wala pong apelyido ang nanay ko eh. indonesian po siya at marami po talaga doon ang walang apelyido.

-naku! ano ba naman itong batang ito…mamaya ka na nga uli. next!

-ako po, titser!

-nasan ka?

-andito po ako sa tabi nyo.

-nyaah! bakit ang liit-liit mo? ilang taon ka na? hindi ba dapat sa kinder ka?

-walong taon na po ako. maliit lang po kasi ang tatay ko eh.

-ok, pangalan?

-ben po.

-ben poe?

-hindi po poe. cinco po apelyido ko.

-middle name?

-tolentino po.

-ben tolentino cinco? ben t. cinco? bentesingko? niloloko mo ba ako?

-hindi po, ah…

-hay, naku, mga batang ire. 

Tapos na! Wahehehe!

13
Feb

Remembering Marvin

On Friday the 13th, exactly eleven years ago today, Marvin stepped on a cow

dung. He died the next day, on Valentine’s Day.

Friends, allow me to reminisce about Marvin.

More…

31
Oct

mogLi

Once again, here is my semi-anonymous blog:

I go there by the name of mogLi, kal-el, batman among others. LOL!
Please help me keep it that way!

Enjoy!

21
Mar

Kabataan

Ang kabataan ay hindi isang antas ng buhay;
ito ay ang kalagayan ng pag-iisip;
hindi ito patungkol sa mabuburok na pisngi, mapupulang labi, at matibay na tuhod;
tumutukoy ito sa lakas ng kalooban, uri ng guni-guni, sidhi ng damdamin;
ito ay ang kasariwaan niyong malalim na bukal ng buhay.

Ang kabataan ay ang pangingibabaw ng katapangan sa kahinaang-loob,
ang kagustuhan sa pakikipagsapalaran imbes na sa kadalian.
Madalas itong nakikita sa isang animnapung taong gulang kesa doon sa dalawampung taon.
Walang sinuman ang tumatanda dahil sa haba ng panahon.
Ang pagtanda ay nagaganap sandaling
lisanin natin ang mga dakilang hangarin.

Maaaring mangulubot ang balat sa paglipas ng taon,
subalit ang pagpapabaya sa sigasig ng buhay ay nakakapangulubot ng kaluluwa.
Ang pag-aala-ala, takot, kawalan ng tiwala sa sarili ay nakakalagas ng puso
at ang diwa ay nagiging alikabok.

Maging animnapu man o labing-anim,
sa bawat puso ng isang tao ay may umiiral na pagnanasa sa kamanghaan, 
‘kumbaga batang paslit na laging sabik sa magaganap,
at sa kagalakan ng laro ng buhay.                                                                                                    

Doon sa kaibuturan ng iyong puso at ng aking puso
ay may antenang nakahimpil;
habang ito ay nakakatanggap ng mensahe ng kariktan,
pag-asa, tuwa, tapang, lakas mula sa sangkatauhan at
mula doon sa Itaas, ikaw ay mananatiling bata.

Sa panahong nakatumba ang antena, at ang iyong diwa ay natatakluban ng
niyebe ng pag-aalinlangan at kawalang pag-asa, 
ay doon magsisimula ang iyong pagtanda, kahit na ikaw ay dalawampu pa lamang.
Subali’t habang nakataas yaong antena,
at handang sumagap ng kalatas ng kinabukasan,
ay maaring isa ka pa ring bata sa iyong paglisan pagsapit ng walumpo.

–salin ni JLSE ©2007.

Ang orihinal na sipi sa wikang Inggles ay may pamagat na Youth ni Samuel Ullman (1840-1924). 

14
Feb

Oda ni Valentino para sa mga Pusong Torpedo

Tibok_ng_puso_small_1

13
Nov

L’Amour Est Bleu, partie trois

"Ang pag-ibig ay isang bagay na hindi dapat paglaruan: kung ang pag-ibig ay isang laruan ay walang katamisan sa puso."

- mula sa Hiwaga ng Pag-ibig ni Balbino B. Nanong. Maynila, 1922.

Friday. Menos dies para ala sais.

Sa bungad pa lang ng chapel ay dinig ko na kaagad ang malamyos na pagtawa ni Christine. Sa sobrang excited na makita siya at ang kanyang cute na dimple ay sadyang napabilis ang lakad ko papunta sa kwartong pagdadausan ng prayer meeting. Subali’t pagdating ko sa silid ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita. ‘Andon si Christine sa isang sulok at may kausap na isang lalaki.

Mukhang aliw na aliw siya sa mga sinasabi ng kakwentuhan kasi panay ang labas ng kanyang mga ngipin na para bang alitaptap kung kumutitap. Happeeng-happee ang feeling ng maldita! At yung kupal naman (excuse me for my language, bad trip lang talaga, eh!) if I know, super corny ang mga jokes nya kaya. Ewan ko ba, sobra talagang nag-init ang dugo ko ng mga sandaling yun dahil pakiramdam ko ay namulang bigla ang aking mukha. Hindi ko ma-take ang mga nasasaksihan kung kaya’t naisipan kong lumabas muna at magpalamig ng butsi.

Akmang tatalikod na ako nang marinig ko ang matamis na boses ni Christine patungo sa aking direksyon.

"Uy, Eric!!! Kanina ka pa d’yan? Eto nga pala ang Kuya Ramon kong seminarista. Halika dito!"

Nakahinga ako bigla ng maluwag sa narinig. Abot tenga ang ngiti ko na lumapit sa kanila at nakipagkilala sa kanyang Kuya Ramon. 

Ikine-kwento pala ni Christine sa kanyang kuya yung tungkol sa aksidente kong pagsali sa prayer meeting nung nadatnan ko silang nagtatawanan. Nakitawa na rin ako at sinabi kong nag-eenjoy rin naman talaga ako sa pagdalo. Dagdag ko pa na mula ng magsimula akong mag-meditate sa chapel at pag-aralan ang mga salita ng Diyos ay nagkaroon ako ng peace of mind. Well, medyo exaggerated ‘yun pero kailangan kong magpalakas sa kuya nyang alagad ng Diyos. Tsaka syempre, dagdag pogi points sigurado yun kay Christine.

Maya-maya ng kaunti ay nagdatingan na rin ang ibang mga kakulto at nagsimula ang prayer meeting. Ang hirap mag-concentrate sa pag-pe-praise da lord, kasi iniisip ko kung papaano na yung plano ko mamaya pagkatapos. Purnada ang candle-light dinner dahil siguradong may lakad itong mag-utol pagkatapos. Ngayon lang kasi uli sila nagkita matapos ang tatlong buwang pamamalagi ni Ramon sa Roma. Sorpresa ang pagbalik ng kuya nya sa Pilipinas. Hindi nagpasabi na uuwi at matapos ilagak ang mga bagahe sa bahay ng mga magulang ay doon nga kaagad sa chapel dumiretso upang makita ang kapatid.

Habang humihimig ng mga awiting simbahan ang lahat ay kung saan-saan naman lumilipad ang kukote ko. Kailan kaya ako makakapagtapat kay Christine? Kung maaari ay sa lalong madaling panahon ay masabi ko agad kay Christine ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Ang hirap nitong may tinatago sa puso. Parang bulkang Pinatubo na handang sumabog anumang saglit. Parang dighay na pilit lumabas pagkatapos lumaklak ng isang boteng malamig na San Miguel. Parang utot na…basta, gets mo na siguro gusto kong sabihin.

Maya-maya nang kaunti ay naramdaman ko na lang ang kamay ko na niyuyugyog ni Mang Tonyo.

"Brader Eric, tapos na ang Ama Namin. Bitaw na!", bulong n’ya sa akin.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nakatingin silang lahat sa akin. Hindi maiwasan ng iba ang mapa-bungisngis. Ako naman ay deadma lang, habang lihim na sumulyap sa gawi ni Christine. Kahit siya ay hindi maitago ang pag-ngiti dahil sa biloy na namuo sa kanyang kaliwang pisngi, na kaagad rin namang naglaho ng magtama ang aming mga paningin. Nakakatuwa na parang siya pa ang nahiya sa akin. 

Ang kanyang Kuya Ramon ay pinipigil rin ang pagtawa. Actually, madalas ko siyang mahuling nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay kinikilatis ako nito. Siguradong na-ikwento rin ni Christine dito ang madalas naming pagkikita kung kaya’t alam n’ya na dumidiga ako sa kapatid.

05
Nov

L’Amour Est Bleu, partie deux

Cheesecake_1Sa loob ng tatlong buwan mula nang kami ay nagkakilala ay masinsinan ang pagpapakitang-gilas ko kay Christine. Basta sa tuwing may problema siya kahit na maliliit na bagay lamang ay sinisigurado ko na nandoon ako at handang tumulong. Mga problema sa computer, aberya sa kotse, pati-pag download ng mga mp3s para sa Ipod nya ginagawa ko mapakita ko lamang na ako ang kanyang knight in the shining armour.

Hindi lang yun, kung anuman ang masabi nya na gusto nya, ni-re-research ko talaga. Minsang nasa Figaro kami, nabanggit nya na ang paboritong dessert nya raw ay cheesecake. ‘Pag uwi ko ng bahay gamit ang google ay sandamakmak na recipe ng cheesecakes ang tiningnan ko. Chocolate chip cheesecake, strawberry cheesecake, cherry coffee cake, lemon cheesecake, cookies and cream cheesecake, marble brownie cheesecake, coconut choco cheesecake, butterscotch cheesecake, philadelphia classic cheesecake at maraming-marami pang iba. Meron pa ngang recipe na cheeseless cheesecake ang pangalan. Ang labo ‘no? So kung walang cheese yun dapat hindi yun tawaging cheesecake ‘di ba?   

Grabe na ‘to, pards. Obsessed na yata talaga ako kay Christine.

Lumipas pa ang maraming tagpuan at sa tingin ko ay nahuhulog na rin ang loob ni Christine sa akin. Tulad ng napapansin ng mga tao ay para daw mag M.U. (mag un) na kami. Hindi lang tuwing friday prayer meeting kasi kami nagkikita, madalas na rin kaming sabay mag-lunch. At kapag kami ay magkasama, kumikinang daw pareho ang aming mga mata.

Hanggang sa hindi ko na talaga kayang itago pa sa kanya ang tunay kong nararamdaman; magtatapat na ako sa kanya. Simple lang naman ang gagawin kong diskarte. Sa susunod na prayer meeting ay yayayain ko siyang mag-dinner kami instead na mag-kape lang.

Bale ang plano ko ay ganito: six-course candlelight dinner sa Tower Club. Naks, astig ano, po!? First course ay truffle custard, tapos ang main ay cabernet filet mignon steak served with the house pinto noir. Siyempre ang dessert ay cheesecake sabay after dinner drink na white rum with kahlua. Tapos, ‘pag medyo lasing na siya,,,este, ‘pag busog na pala siya ay sesenyasan ko yung kakutsaba kong waiter na dalhin ang isang long-stemmed red red rose sa table namin. Tapos, yun, tatanungin ko siya (si Christine, hindi yung waiter!) kung handa na ba siyang ibigay na sa akin ang kanyang puri,,,este, ang kanyang pagtitiwala na ako ay ituring nyang higit sa kaibigan lamang.

26
Oct

L’Amour Est Bleu, partie une (Alternative Title: Naunsyaming Pag-ibig, unang kabanata)

11

¡O pag sintang labis nang capangyarihan
sampong mag aamá,i, iyong nasasaclao!
pag icao ang nasoc sa púsò ninoman
hahamaquing lahat masunód ca lamang!

- orihinal na salin na inilabas ng Imprenta de Ramirez y Giraudier noong 1861 mula sa Florante at Laura ni Francisco Baltazar (1788-1862).

S
abi nila kumikinang daw ang aming mga mata kapag kami ay magkausap. Pakiramdam ko rin nagtutugma kami. Magka-wavelength ‘ika nga o nag-co-connect ba. Basta, ang hirap ipaliwanag. Alam mo na ‘yun. Para bang kahit hindi na namin ibuka ang aming mga labi at bumigkas ng mga pangungusap, parang alam na naming pareho ang sasabihin ng bawat isa.

Madali talagang nahulog ang loob ko kay Christine mula nung makilala ko siya sa isang prayer meeting.

Flashback…three months ago.

Pauwi na ako galing opisina nang bigla kong naisipang pumasok sa company chapel. Na-curious lang talaga ako. Sa tinagal-tagal ko na sa kumpanya ay hindi pa ako nakakapasok doon. Maliit lang sa loob ng chapel, pero maganda ang pagka-disenyo nito. Minimalistic ang dating at walang masyadong burloloy sa altar. Sa gilid naman ay may nakasabit na mga oil paintings nung The Way of the Cross. Cubist ang estilo nung pintor, na hindi ko na maalala ang pangalan. 

Tiningnan kong isa-isa ang mga paintings mula sa unang istasyon ng krus. Medyo nagtagal ako sa ika-apat. Ito yung nung nasalubong ni Hesus ang kanyang inang si Maria. Mahusay ang depiction,,,kahit hubog lang ng mukha ang kita mo ‘ramdam mo talaga ang paghihirap ng kalooban ni Maria sa sinapit ng minamahal na anak. Dahil na rin siguro ito sa mainam na pag-gamit ng pintor ng matapang na kulay tanso at mga bakas ng pula at itim.

Medyo nagulat ako nang marinig ang isang malumanay na tinig mula sa aking likuran.

"Ang ganda ano? Paborito ko rin ‘yan."

Pagtalikod ko ay para akong naiputan ng Ibong Adarna dahil pakiramdam ko ay naging bato ako at tumigil ang pag-inog ng aking mundo. Pakiwari ko ba ay isang anghel mula sa langit ang bumaba at ngayon ay nakangiting nakikipag-usap sa akin.

"Ako nga pala si Christine. Kanina ka pa ba? Halika, dito sa may kabilang room ang prayer meeting."

"Ah..eh.."

Yun lang ang natatandaan kong lumabas sa aking bibig. Basta para akong nagayumang sumunod na lang sa kanya. Tanda mo yung scene dun sa Lord of the Rings kung saan parang na-hypnotize si Frodo sa kagandahan ni Galadriel (yung saksakan ng gandang elven na muntik nang ma-tempt na angkinin yung ring)? Ganun, pare!

Kaya ayun, mula noon, regular na rin akong nakiki-praise da lord! sa kanila. Anyway, ayus lang naman. Masaya rin doon kahit papaano. Wala namang nawawala sa akin sa pag-attend ko. Syempre, minsan uma-absent rin ako sa prayer meeting kapag may conflict sa ibang activities ko, like pag nagkayayaang mag-online ang buong barkada para maglaro ng World of Warcraft.

Habang tumatagal ay lalong nahuhulog ang loob ko kay Christine. Pagkatapos kasi ng prayer meeting ay nagkakape muna kami sa Figaro na nasa kabilang building lang. Masarap talaga siyang kakwentuhan, at hindi nakakasawang pagmasdan ang napaka-amo nyang mukha. Gustong-gusto ko rin yung ngiti nya dahil lumalabas yung cute nyang dimple sa kaliwang pisngi.

Kapag kasama ko siya, ang bilis-bilis ng takbo ng oras. Minsan nga hindi na namin namamalayan na closing na pala. Sa sobrang dami kong nainom na espresso, ang hirap tuloy matulog pag-uwi ko sa bahay. Lalo pa tanging si Christine lang ang laman ng utak ko at ang lahat ng mga napag-usapan namin. Bawat salitang kanyang sinabi, pati na malulumanay nyang halakhak ay tila musikang hindi mapawi sa aking mga tenga. Last song syndrome, ‘kumbaga.